Silipin ang nakaka-touch na paghaharap ng isang Aldub fan na binisita nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Ayon sa post ni Rommel Molina, iniidolo ng kanyang anak na may sakit sina Maine Mendoza at Alden Richards.
Kahapon (June 25), ibinahagi ni Rommel Molina sa kanyang Facebook account ang pagsorpresa nina Alden at Maine sa kanyang anak.
Maine kasama ang anak ni Rommel
Sina Alden at Maine ay tumungo sa Philippine Children's Medical Center para sorpresahin ang kanilang fan.
May bitbit na regalo sina Kuya Alden at Ate Maine
Kitang kita ang saya ni Daddy Rommel sa pagbisita nina Alden at Maine kay Jhommel.
Masaya si Jhommel na nakita niya sina Kuya Alden at Ate Maine dahil matagal na siyang hindi nakapanood ng kalyeserye. Get well soon!