
Maliban sa kanyang dalawang business at upcoming horror-thriller serye sa Kapuso network na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, busy rin si Kapuso actress Kris Bernal sa pag-promote ng kanyang latest action film na KontrAdiksyon.
Ang pelikula, na idinerehe ni Njel de Mesa, ay tumatalakay sa isyu ng droga sa bansa.
Ang karakter ni Kris, na nagngangalang Jessica, ay isang call center agent na nagbebenta at gumagamit ng droga.
Bahagi ng aktres, isang dream come true raw ito para sa kaniya dahil gustung-gusto niyang gumanap sa isang action-packed film noon pa.
“It somehow answered my dream role kasi it's action.
“I always wanted to do something na action kasi I always feel na parang maliit ako, 'di ako bagay mag-action, 'di ako pwedeng magmukang maangas, matapang, at medyo sexy din.”
Inamin din niya na medyo nahirapan siya sa pagganap ng karakter sa pelikula.
“Medyo complicated sa akin 'yung work kasi 'di naman ako gumagamit nun in real life.
“So, medyo mahirap para sa akin humugot at kung paano siya aartehin. Pero, nag-research naman ako.”
Makakasama ni Kris Bernal sina Jake Cuenca at Katrina Halili sa pelikula at magsisimula itong ipalabas bukas, June 26.
Panoorin ang buong ulat ni Luane Dy:
WATCH: 'Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko,' first horror-thriller na mapapanood sa GMA Afternoon Prime
WATCH: Megan Young balik-taping na para sa bagong serye