Showbiz News

Katrina Halili at Isabel Oli, seryoso sa mga fight scenes ng Gagambino

Dalawa sa pinaka-sexy at may pinaka-magandang mukha sa television ngayon sina Katrina Halili at Isabel Oli. Magkasama sila sa bagong primetime offering ng GMA, ang "Carlo J. Caparas’ Gagambino" at sa set ng nasabing show sila binisita ng iGMA para kamustahin ang mga bagong superheroes ng bayan. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Erick Mataverde. At the height of Bino and his friends battling Abresia, unti-unti nang nabubuo ang grupo ng bagong Pinoy super heroes—ang La Liga Insekta. Sa story, hindi maiiwasan ang mga elaborate fight scenes at tinanong namin si Katrina at Isabel tungkol dito. “Happy ako sa ngayon dahil kahit papaano nakakasabay na ako. Kasi 'yung una sobrang hindi talaga ako makasabay. Sobrang hate ko 'yung fight scenes ko kasi sobrang complicated talaga 'yung routines, and hindi ako makasabay lalo na 'yung may mga ikot-ikot, para siyang sayaw,” pag-amin ni Katrina, na kasalukuyang nagpapahinga sa kanyang van kasama si Isabel Oli, nang maabutan sila ng iGMA. Halatang pagod ang dalawa dahil kinunan noong umaga ang training nila as superheroes, sa isang tagong lugar sa Bataan. Kasagsagan ng init ng araw kaya minabuti muna ni Direk Topel Lee na bigyan ng break ang kanyang cast and crew. Sinabi din ni Isabel Oli na medyo dangerous 'yung mga fight scenes nila. In fact, dalawang beses na siyang nasaktan while shooting her scenes. “Ang powers ko kasi sa hair, tapos nanuntok din talaga ako at nagki-kick pa ako. Nagkataon na kinick ako ni Polo [Ravales], ayun hindi natantya ng maayos at natamaan 'yung dito ko (braso), so namaga talaga siya. Ang sakit talaga,” kuwento ni Isabel. Pero na-klaro naman niya na hindi siya nagalit kay Polo dahil doon. “Hindi naman nya talaga sinadya at hindi naman ako galit,” sabi nito. Ikinuwento pa ni Isabel na nasipa rin siya sa leeg sa isa sa mga scenes nila ni January Isaac: “Pangalawang beses na dito sa neck, si January naman 'yun. Naka-heels sya, tapos nagkamali, kasi hindi pa ako nakaikot, hindi pa ako nakatingin sa kanya, na-kick na niya ako. Lumabas ata 'yun kagabi (Thursday, Nov. 20), ang ganda daw tingnan, parang totoo. Kasi totoo talaga (laughs)! Dangerous din talaga 'yung mga fight scenes namin.” Pero kahit na nasasaktan ang dalawa, they still do their best para magampanang mabuti ang kanilang roles bilang bagong Pinoy superheroes. “Mas complicated kasi wushu ['yung fighting style ko]," dagdag ni Katrina. "Pero mas maganda siyang tingnan. Mahirap lang talaga. Sanay ako doon sa mga fight scenes ng Darna, Majika, Atlantika. Gusto ko 'yung mga fight scenes doon, pero ito kasi medyo complicated pero okay naman, medyo mahirap lang siya talaga.” Idinagdag pa niya na aside from the workshop na ibinigay sa kanila before the start of the show, tinuturuan sila ng kanilang fight director right before i-tape ang isang fight scene. “Abangan ninyo 'yung mga fight scenes namin,” pagtatapos ni Isabel. “Dapat [din] ninyong abangan 'yung mga costumes namin,” pahabol naman ni Katrina. Panoorin ang mga makatotohanang action scenes ng bagong Pinoy superheroes weeknights only on Gagambino, pagkatapos ng Luna Mystika. Tanungin si Katrina at Isabel about their experiences sa Gagambino! Text KATRINA/ISABEL and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)