Showbiz News

'Wish Ko Lang' goes to Dubai and goes full reality this Saturday!

Labing anim na taon na ang legacy program ng GMA News and Public Affairs na Wish Ko Lang at sa loob ng 16 years na patuloy itong nagbibigay katuparan sa mga pangarap ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, isang espesyal na episode ang handog ng programa tampok ang kwento ng tunay na mga tao.'

Ngayong Sabado, isang tatay mula Dubai ang uuwi at bibigyan ng isang hindi malilimutang sorpresa para masilayan ang kanyang anak na magdi-debut na hindi niya nakita sa loob ng 10 taon.

Single father si Ernesto Flores at tinitiis niyang malayo sa kanyang pamilya na nasa Pampanga para mabigyan sila ng maayos na buhay sa pagtatrabaho sa Dubai. Sa loob ng sampung taon, kayod kalabaw siya. Nagsimula sa kung anu-anong trabaho - construction, pagluluto sa mga hotel, pag raket sa mga events bilang photographer, production crew at kung anu-ano pa.

Ngayong Hunyo ay ang debut o ika-18 th birthday ng kanyang panganay na si Errie na hindi niya nakita sa loob ng 10 taon. Hindi alam ng anak na mula Dubai, isang engrandeng sorpresa ang inihanda ng kanyang tatay sa tulong ng Wish Ko Lang. Sa mismong araw ng kanyang debut, ang akala niyang phone call or video call lang mula sa kanyang ama, tunay na yakap na pala!

May surprise guests pa sa debut ni Errie dahil special escort niya ang Kapuso hunk na si David Licauco, stylist at make up artist niya ang social media influencer na si Michelle Dy at ang performer sa kanyang debut ay ang bandang Spongecola!

Lumipas man ang maraming taon, nanatili ang Wish Ko Lang sa mga programang patuloy na tumatatak, kumukurot sa puso at nagbabago ng maraming buhay.

Sa susunod na mga linggo, lalo pang palalakasin ng programa ang mas nakaka-antig sa pusong mga kwento at tutuparin ang mas maraming kahilingan.

Kaya 'wag kalimutang abangan ang episode ngayong June 29, 4:10 PM sa GMA!