Showbiz News

Joel Lamangan on 'Because I Love You' lead stars Shaira Diaz and David Licauco: 'I assure you that they will not disappoint'

By Al Kendrick Noguera

Sa unang pagkakataon, bibida ang tambalang Shaira Diaz at David Licauco sa big screen sa pelikulang Because I Love You.

Joel Lamangan, Shaira Diaz, and David Licauco

Noong June 25, ginanap ang premiere night nito sa SM Megamall kung saan nagbigay ng maiksing talumpati ang batikang direktor na si Joel Lamangan.

Bago ipalabas ang Because I Love You, pinuri muna ni Direk Joel ang galing sa pag-arte ng dalawang Kapuso stars. Aniya, "Mahusay sina David at Shaira - mga artistang nakikita natin na talagang aangat bilang mga artista ng bagong milenyo."

READ: Kissing scenes nina Shaira Diaz at David Licauco at pa-"something" ni Martin del Rosario, dapat abangan sa 'Because I Love You'

Confident din si Direk Joel na hindi masasayang ang panonood ng moviegoers sa kanilang pelikula dahil sa husay ng kanyang lead stars. "They (Shaira and David) are new millennial stars and I assure you that they will not disappoint."

Samantala, ikinuwento naman ni Shaira ang naging experience nila sa set sa kamay ng istriktong direktor. Ayon sa kanya, malaki na raw ang ipinagbago ni Direk Joel kumpara noon.

Saad ng aktres, "Actually kumalma na siya. Naka-work ko na siya before. Na-experience ko 'yung mga sigaw-sigaw niya and all.

"Dito (Because I Love You taping) natalakan din ako [dahil] sa wardrobe nagkaproblema pero after naman noon malambing siya eh.

"Si Direk Joel din naman kasi, magagalit lang siya para rin naman sa 'yo. May lessons din naman. May ibinibigay rin siya na good thing sa pagiging ganyan niya. Hindi siya nagpa-powertrip," paliwanag ni Shaira.

Produced by ALV Films, in cooperation with Garahe Films, and distributed by Regal Films, Because I Love You opens in local cinemas today, June 26.