Showbiz News

'Emperor: Ruler of the Mask,' malapit nang mapanood sa GMA Heart of Asia

By Michelle Caligan

Isang period love story ang bagong anniversary offering ng GMA Heart of Asia, ang Korean drama na Emperor: Ruler of the Mask.

Ang Emperor: Ruler of the Mask ay tungkol sa isang Joseon crown prince na si Lee Sun (Yoo Seung Ho) na mapipilitang itago ang kaniyang mukha upang iwasan ang panganib na dala ng isang organisasyong kumokontrol sa mga desisyon ng hari. Dahil sa nais nitong malaman ang tunay na rason kung bakit niya kailangang isuot ang maskara, tinanggal ito ni Lee Sun at lumabas ng palasyo, kung saan makikita niya ang tunay na estado ng Joseon. Sa labas ng palasyo niya rin makikilala ang isang alipin na kapangalan niya (Kim Myung Soo / L) at si Han Ga Eun (Kim So Hyun), ang unang babaeng magpapatibok ng puso niya. Ngunit sa nais niyang maisaayos ang kanilang kaharian, sunod-sunod na suliranin ang kahaharapin nito. Saka nito maiisip na hingin ang tulong ng alipin na si Lee Sun upang suotin ang maskara at magkunwari bilang crown prince, habang siya'y mamumuhay sa labas ng palasyo at susubuking puksain ang grupo ng Pyun Soo.

Magtagumpay kaya si crown prince Lee Sun sa mga plano niya?

Sundan ang kanilang kuwento sa Emperor: Ruler of the Mask, malapit na sa GMA Telebabad.