Showbiz News

Jace, Post-Survivor

Like everyone else, ginusto rin ni Jace Flores na maging isang actor. Pero unlike most, he gets to live out his dream—just not the way he expected it. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Isa si Jace Flores sa mga pioneer castaways ng Survivor Philippines, and he admits that he wanted to be an actor prior to joining the show. It was during his stay on the reality show na nakalimutan niya ang aspiration niya na yun. "When I first got here, parang sabi ko, wow! Ang sasaya ng mga ginagawa [ng mga celebrities]. Wow, 'di ba? Parang, kaya ko yan!" And then, nangyari ang Survivor Philippines, ang nasa isip na lang daw niya ay ang paglalaro ng game na 'yun. "Pumasok sa isip ko [na] lumabas na lang ako sa Survivor, cool, sige—okay [na]." Maganda ang naging exposure ni Jace sa nasabing show. Kaya naman, right after his getting voted off from the reality show, na-announce na agad ang participation ni Jace sa bagong fantaserye ng GMA, ang Luna Mystika . "Very shocking," inamin ng bagong actor. "I'm shocked." Of course, sinabi rin niya na very happy siya and very excited to be part of the show. Pero aside from this very good news, wala naman daw nagbago sa buhay niya. "Actually, [I'm] back to the same old Jace; nag-g-gym ako, I play basketball when I've got free time." Ang naiba lang, according to him, is mas madalas na siyang naka-hang out sa GMA Network building because of guest appearances and workshops. He was even one of the celebrities who joined GMA Artist Center's Grand Fans' Day! At dagdag pa niya, bukod sa mga guest appearances, he's also trying out something else. "[I'm] trying to learn the new craft [of] being an actor," nakangiting sabi niya. Watch out kung papaano nga umarte si Jace sa Luna Mystika! Abangan ang kanyang paglabas sa show bilang masugid na manliligaw ni Iwa Moto. At kung gusto mo siyang maging text mate? Abangan mo lang rin ang nalalapit na pagpirma niya sa Fanatxt!