advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Isang pagbabalik-tanaw sa Sampaguita Pictures

1 of 16

Big Four

Itinatag noong 1937, kabilang ang Sampaguita Pictures sa tinaguriang 'Big Four' ng pelikulang Pilipino. Ang iba rito ay ang LVN Pictures, Premiere Productions, at Lebran International. 
 

2 of 16

Vera-Perez family

Ang Sampaguita Pictures ay pagmamay-ari ng pamilyang Vera-Perez. Si Maria Azucena 'Marichu' Vera Perez-Maceda ang isa sa mga huling miyembro ng pamilya na humawak sa film studio bago ito tuluyang magsara. 
 

3 of 16

Bituing Marikit

Ang pelikulang 'Bituing Marikit' na ipinalabas noong 1938 ay ang unang full-length film mula sa studio.
 

advertisement
4 of 16

Kaputol ng Isang Awit

Talagang tumatak sa mga Pilipino ang 'Kaputol ng Isang Awit' noong 1949 dahil ginawan pa ito ng remake na pinagbidahan ni Sharon Cuneta noong 1991. Nagkaroon din ito ng TV adaption ng GMA Network, na pinagbidahan naman nina Glaiza de Castro at Lovi Poe. 
 

5 of 16

Fire

Nasunog ang studio noong 1951 ngunit agad naman itong nakabawi dahil sa tagumpay ng pelikulang 'Roberta,' tampok ang child star na si Tessie Agana noon ding taon na iyon. 
 

6 of 16

Rivalry

Dahil sa halos pantay na tagumpay ng kanilang mga pelikula, naging magkatunggali sina Susan Roces at Amalia Fuentes sa mata ng kanilang mga tagahanga. Ginamit nila ang 'rivalry' na ito sa kanilang pelikulang 'Cover Girls' noong 1968 na ginawa nila sa labas ng kanilang mother studio na Sampaguita Pictures. 
 

advertisement
7 of 16

Guy and Pip

Isa sa pinakamatagumpay na pelikula at love team ng Sampaguita Pictures ang 'Guy and Pip' noong 1971. Tampok dito sina Tirso Cruz III at Nora Aunor. 
 

8 of 16

Pre-war

Bago ang World War II, isa sa pinakamalalaking love teams ng Sampaguita sina Carmen Rosales and Rogelio dela Rosa. 
 

9 of 16

Musicals

Tampok din ang mag-asawang Pancho Magalona at Tita Duran sa mga patok na musicals ng Sampaguita Pictures. Sila ang mga magulang ni Filipino master rapper Francis Magalona. 
 

advertisement
10 of 16

Tandem

Nauwi man sa hiwalayan, lubos din ang tagumpay ng mga pelikulang pinagbidahan ng pares na sina Eddie Arenas at Lolita Rodriguez. 
 

11 of 16

Gloria Romero

Ang half-American na si Gloria Romero ay isa rin sa pinakatanyag na artista ng Sampaguita Pictures. Hanggang ngayon ay active pa rin siya sa showbiz. 
 

12 of 16

Paraluman

Matapos ang World War II, bumalik sa pag-arte si Paraluman bilang isang contract star ng Sampaguita Pictures. 
 

advertisement
13 of 16

Batch '81

Sa ilalim ng sister company na MVP Pictures, ang 'Batch '81' ang huling pelikulang ginawa ng Sampaguita Pictures. 
 

14 of 16

Television

Pinasok ng Sampaguita Pictures ang mundo ng telebisyon sa 'Pira-pirasong Pangarap' at 'Nagmamahal, Manay Gina' kasama ang GMA Network. Si Gina de Venecia na bahagi din ng Vera-Perez family ang nagsilbing host ng dalawang palabas. 
 

15 of 16

Sampaguita Gardens

Kahit huminto na sa pagpo-produce ng mga pelikula, nananatili ang compound ng Sampaguita Pictures sa Quezon City kung saan bukas ang ilang bahagi nito bilang venue para sa mga kasal, parties at iba pa. 
 

advertisement