Showbiz News

WATCH: Maine Mendoza, nagulat nang malamang magiging leading man niya si Carlo Aquino

By Aaron Brennt Eusebio

Inamin ni Maine Mendoza na nagulat siya nang sabihin sa kanyang magiging leading man niya ang idolo niyang si Carlo Aquino.

Maine Mendoza at Carlo Aquino


Kaugnay nito, hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyektong pagsasamahan nila ni Carlo

"Nagulat ako pero yung in a good way naman and happy kasi I really do want to work with him," saad ni Maine.

Excited naman si Carlo pero kinakahaban siya dahil unang beses niyang makakatrabaho si Maine.

Ang titulo ng gagawing pelikula nina Carlo at Maine ay Isa Pa With Feelings, na idederehe ni Prime Cruz.

Alamin ang buong detalye sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: