advertisement
Showbiz News

#TRIVIA: Mga artista at ang kanilang sikat na lolo at lola

1 of 16

Janine Gutierrez

Maituturing na showbiz royalty si Janine Gutierrez dahil puro mga sikat din ang kanyang mga lolo at lola.

2 of 16

Eddie Gutierrez and Pilita Corrales

Paternal grandparents ni Janine sina Eddie Gutierrez at Pilita Corrales. 1950s nang sumikat si Eddie bilang aktor, habang si Pilita ay kilala bilang Asia’s Queen of Songs.

3 of 16

Christopher de Leon and Nora Aunor

Apo naman nina Christopher de Leon at Nora Aunor si Janine sa kanilang inampon na anak na si Lotlot de Leon.  Isang batikang drama actor si Christopher at si Nora naman ang tinaguriang Superstar.

advertisement
6 of 16

Boy 2 Quizon

Apo ni Dolphy ang ‘Bubble Gang’ star na si Boy 2 Quizon.

7 of 16

Dolphy

Maaaring namana naman ni Boy 2 ang pagpapatawa sa kanyang Lolo Dolphy na kinikilalang King of Comedy.

8 of 16

Magalonas

Ang Magalona siblings na sina Maxene, Frank, Saab at Elmo ay mayroon ding artistang lolo at lola, sina Pancho Magalona at Tita Duran.

advertisement
9 of 16

Pancho Magalona and Tita Duran

Sina Pancho at Tita ang pinakasikat na love team sa pinilakang tabing noong 1940s at 1950s. Itinuring silang ehempolo ng mabuting buhay mag-asawa sa pelikula at sa totoong buhay.

10 of 16

Carla Abellana

Namana ni Carla Abellana ang kanyang ganda at husay sa pag-arte sa kanyang lola na si Delia Razon.

11 of 16

Delia Razon

Isang beteranang aktres na nagsimula sa LVN Pictures si Delia Razon.

advertisement
12 of 16

Kiko Estrada

Maliban sa kanyang mga magulang, celebrity rin ang lolo ni Kiko Estrada.

13 of 16

Paquito Diaz

Si Kiko ay apo ng veteran actor at director na si Paquito Diaz. Mas kilala si Paquito sa kanyang pagganap bilang kontrabida o kaya naman ka-eksena ang kanyang matalik na kaibigan na si Fernando Poe, Jr.

14 of 16

Lovi Poe

Marami ang nagmamasid kay Lovi Poe dahil dala-dala niya ang apelyido ng kanyang ama at lolo sa larangan ng pag-aartista.

advertisement
15 of 16

Fernando Poe Sr.

Si Fernando Poe Sr. ang lolo ni Lovi. Kabilang siya sa mga sikat na movie stars bago ang World War II. Idinirehe rin niya ang unang Darna film noong 1951 bago siya pumanaw sa parehong taon.

16 of 16

Rafa Siguion-Reyna

Makikitaan ng talent sa pag-awit at pagkanta si Rafa Siguion-Reyna.

17 of 16

Armida Sigiuion-Reyna

Namana ni Rafa ang kanyang husay sa kanyang lola na so Armida Siguion-Reyna. Si Armida ay isang singer, theater at film actress, producer at host. Siya ang nagpasikat ng ‘Aawitan Kita.’

advertisement