Showbiz News

READ: Netizens, napabilib sa acting ni Alden Richards sa kanyang inaabangang pelikula

By Al Kendrick Noguera

Inilabas na ang official trailer ng pelikulang pagbibidahan ni Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye, kung saan makakapareha ng Kapuso actor si Kathryn Bernardo.

Ilang oras pa lamang matapos maging available ang trailer online, agad na napabilang sa Top Twitter Trends Philippines ang official hashtag na #HelloLoveGoodbyeTrailer at ang pangalan ni Alden.

Matapos mapanood ang galing ni Alden sa pag-arte, may kaniya-kaniya nang positive feedback ang netizens sa aktor.

WATCH: Alden Richards, masaya na maging boses ng mga OFW sa kanyang bagong pelikula

May ilang umamin na hindi talaga fan ni Alden ngunit nang mapanood nila ang trailer ay bigla silang naging tagahanga ng Kapuso star.

Ang ilan naman, hindi maiwasang maalala si John Lloyd Cruz kay Alden at guwapong-guwapo sila sa Pambansang Bae.

LOOK: Poster of 'Hello, Love, Goodbye' unveiled

Hindi maikakaila na talagang napabilib ni Alden ang netizens sa kanyang husay sa pag-arte sa kanyang bagong pelikula.