WATCH: Jasmine Curtis-Smith aminadong nalungkot sa hiwalayan ng Song-Song couple
Sumabak na sa unang araw ng training ang cast ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun sa Tanza, Cavite sa pamumuno ng ARESCOM (Army Reserve Command) kahapon, July 3.
Kabilang dito ang second female lead na gaganap bilang Moira Defensor (Yoon Myung-ju sa original series) na si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith.
WATCH: Cast ng Philippine adaptation ng 'Descendants of the Sun,' sumabak na sa military training
Sa interview ni Chika Minute news anchor Nelson Canlas, inamin ng aktres na isa siyang big fan ng series kaya laking lungkot niya nang mabalitaang naghiwalay na ang mga bida nito na sina Song Joong-ki at Song Hye-Kyo.
Aniya, “As a fan, of course, nakakalungkot siya.
“Kasi sobrang natuwa ako and nadala ako sa mga eksena nila in the series.”
Isa si Jasmine Curtis-Smith sa mga kumpirmadong cast ng pinakaabangang adaptation ng action-drama series. Makakasama niya sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jon Lucas, Paul Salas, Lucho Ayala, at Prince Clemente.
Para sa buong ulat, panoorin ang chika ni Nelson Canlas:
Song Joong Ki, Song Hye Kyo file for a divorce