Showbiz News

WATCH: Cast ng Philippine adaptation ng 'Descendants of the Sun,' sumabak na sa military training

By Cara Emmeline Garcia

Sa isang boodle fight sinalubong ang cast ng Philippine adaptation ng K-Drama series na Descendants of the Sun sa Tanza, Cavite kahapon, July 3.

Lucho Ayala

Ito raw ang welcome tradition ng ARESCOM o Army Reserve Command, ang magsisilbing trainers ng cast para sa darating na action-drama series.


Matapos mananghalian, naging maaksyon ang mga sumunod na eksena dahil nagsimula na ang war fighting training ng leading cast na sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, at Jasmine Curtis-Smith. Kabilang sa kanilang training ang pag-rappel mula sa taas na 40 ft. at target shooting.

Nakasama rin ng tatlo ang ilang supporting cast na sina Prince Clemente, Paul Salas, Lucho Ayala, at bagong Kapuso actor Jon Lucas.


Sumailalim ang mga aktor sa iba't ibang vehicle at arsenal training sa pamumuno ni Major General Bernie S. Langub ng AFP (Armed Forces of the Philippines).

READ: Dingdong Dantes seeks AFPs help for 'Descendants of the Sun' role

Ang pinagdaanan nila kahapon ay umpisa pa lang sa marami nilang training para maging mas katotohanan ang kanilang pagganap bilang miyembro ng militar.

At sa mga nagtatanong kung sino ang gaganap bilang Doctor Kang, ang leading lady ng serye, 'wag bibitiw dahil malapit na raw siyang i-reveal.

Para sa buong ulat, panoorin ang chika ni Nelson Canlas sa 24 Oras:

IN PHOTOS: GMA Network inks partnership with the AFP for 'Descendants of the Sun'

Dingdong Dantes to play Big Boss in the Filipino adaptation of K-Drama 'Descendants of the Sun'