Showbiz News

READ: David Licauco, goodbye na sa sexy image?

By Nherz Almo

Inihayag kamakailan ni David Licauco na iniiwasan na niyang ipakita ang kanyang sexy image maliban na lamang kung kailangan talaga sa trabaho.

David Licauco

Sa isang panayam ng GMANetwork.com kamakailan, inamin niya na mismong ang mga magulang niya ay hindi pabor sa kanyang pagpapa-sexy sa pelikula, telebisyon, at pati na sa harap ng publiko.

Sabi ng Kapuso hunk actor, “My mom is very traditional kasi and wala namang artista sa amin.

“Nagulat sila na nag-artista ako. My mom is very Chinese and very well grounded.

“If you talk to her, she talks like [malumanay]. 'Yung dad ko rin, kung makausap n'yo.

“So, nagulat sila na nandito ako, na nag-showbiz ako.

“For them, nakakagulat din, 'di ba? Sino ba naman… kapag nagkaanak tayo, for sure ayaw mo ring makitang nakahubad, e, 'di ba?

“Pero, wala, I'm already here.”

Naalala pa niya noong unang makita nang personal ng kanyang ina ang pagpapa-sexy niya sa isang fashion show.

Kuwento niya, “Naalala ko nga noong Bench: Under the Stars [2017], akala ko topless lang.

“Kasi, hindi ako nagpunta ng fitting dahil may work ako noon.

“Pagdating ko dun, binigyan ako ng brief. Sabi ko, 'Oh my God, ano'ng gagawin ko rito?'

“Akala ko topless lang, e. Wala na akong magawa, e, nandiyan na.

“Medyo na-disappoint siya. Pero sabi ko, 'Ma, it's part of the job and I'm already here. Wala tayong magagawa.

Bagamat nag-alinlangan, itinuloy pa rin daw ni David ang pagrampa.

Katuwiran niya, “I mean, for sure… Inisip ko na lang, for sure, ang daming taong gustong maging part ng Bench Body and I was given the opportunity, so why waste it?”

Sa kabila ng kanyang desisyong bawasan ang pagpapa-sexy, wala naman daw siyang sinusunod na limitasyon sa pagkuha ng mga proyekto.

Katulad ng kanyang underwear endorsement, patuloy pa rin daw ito.

“Siyempre, it's a very big opportunity,” aniya.

Kampante naman si David na malayo ang kanyang personalidad sa kanyang sexy image.

Biro pa niya, “Actually, iniisip ng mga tao, kunwari, sa Instagram, sexy boy [ako]. Pero if you're gonna talk to me, parang baby boy.”

Samantala, hindi katulad ng kanyang karakter sa pelikulang Because I Love You, zero raw ang love life ngayon ni David.

Pero kung sakali wala raw problema kung maging katulad siya ng kanyang karakter na si Rael, na isang mayamang lalaki na na-in love sa isang ordinaryong babae.

Paliwanag ng Chinito heartthrob, “Wala naman 'yung pera, e. Kunwari, ang napangasawa mo ay mayaman din, 'tapos hindi naman kayo happy, hindi naman kayo nagko-connect, hindi rin naman okay.

“So, mas okay for me 'yung mahal ko talaga siya and nagko-connect kami.

“Puwede namang magtulungan kami sa business and eventually maging okay naman siya.”

Nang tanungin kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae, sagot ni David, “Gusto ko po talaga yung simple lang.

“Ayaw ko po ng showbiz, ayaw ko po ng model.

“Gusto ko po yung matalino, may pinag-aralan, maayos magsalita, hindi vain.”