Showbiz News

Dennis Trillo, Super Daddy!

Famous for being the newest Pinoy superhero, Gagambino, masayang masaya si Dennis Trillo dahil sinuportahan ng mga manonood ang kanyang show. Pero mayroon pa siyang gustong patunayan sa lahat, na kaya rin niyang maging Super Daddy! Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Erick Mataverde Isang taon na si Calix, ang anak ni Dennis Trillo kay Carlene Aguilar, at halatang halata na proud daddy si Dennis. Noong huli siyang makausap gng iGMA, naibida niya na marami ng alam ang kanyang anak at proud na proud siya sa unang pictorial ni Calix. "Maraming nagagandahan sa pictorial na 'yun ni Calix. Gusto ko nga makita kaya nagpabili ako [ng magasin]. Proud ako sa baby ko," ang masyang bida ni Dennis. Hindi nakapunta si Dennis sa mismong pictorial dahil may taping siya ng Gagambino. Pero siniguro naman ni Dennis na lahat ng kanyang free time ay ibinibigay niya sa kanyang anak. "Of course, hinahanapan ko palagi ng oras. Kapag may time ako, binibisita ko para at least gusto kong makilala niya ako ng maayos.Masubaybayan ko ang paglaki niya," pagamin ni Dennis. Sinabi din niya na, as a super hero on TV, syempre gusto din niyang maging super dad kay Calix. Gusto niyang maibigay lahat sa kanyang anak. "Mahilig siya sa percussion [instruments]. Mahilig siyang magpalo ng kung anu ano lalu na 'yung drum set. Meron siyang bongos na maliit, lagi niya 'yung hinahanap. Minsan kahit matutulog siya talagang pinapalo niya. At saka ang lakas niyang manghampas, kapag nakita niyang bilog na ganoon, isipin niya drums, basta may tunog papaluin niya (laughs)," ang pagmamalaking kwento ni Dennis sa iGMA. Lininaw din niya na hindi lang materyal na bagay ang kanyang gustong ibigay sa anak. "Kailangan magbigay ng maraming oras palagi, para palagi kang nakabantay sa kanya. Maalagaan nang maayos. Lalo na ngayon, sobrang likot, ang daldal, kaya niyang sabihin dada, mama, sinusubukan niyang sabihin 'yung ball pero 'bo' lang ang nasasabi niya eh (laughs). Nangagaya rin sya, kakatuwa talaga!" Sa mga pahayag ni Dennis, halatang halata na masaya at very proud siya kay Calix and that he will do anything para dito, including being a Super Daddy! Panoorin ang pinakabagong Pinoy Superhero at ang Super daddy na si Dennis Trillo sa Gagambino, weeknights pagkatapos ng Luna Mystika! Get in touch with Dennis through Fanatxt! Text DENNIS and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)