Showbiz News

Ang Bagong Bad Boy ng Telebabad

What will Jace Flores bring sa GMA Telebabad? Bilang Lucas, ang siga ng Bayang Mausok, Jace says na hindi niya kailangan mag-effort masyado. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. "I wasn't expecting [this]." Iyan ang words ni Jace Flores sa kanyang pagpasok sa show business. Pero agad-agad, may show na siya—ang Luna Mystika. When iGMA got to talk to Jace, hindi pa siya nagte-taping. But since then, ilang beses na rin lumabas si Jace sa show bilang si Lucas. How would he describe his role? "Parang bad boy na anak mayaman." Sa kuwento ni Jace, he will be playing the mayor's son. And for him, hindi challenge ang gagampanan niyang role—and not because anak siya ng mayaman. "Honestly, when I was younger, I used to be someone na nambu-bully." Jace laughs that it's very easy nga daw for him. "Mas madali ang buhay na ganyan." Jace isn't afraid to talk about his bully days, especially since those days are long past na for him. "Aminado [ako]," sabi niya. "Ngayon [kasi], siyempre mas mature [na ako]." And, according nga sa kanya, this past gives him the experience he needs for his role. "Mas madaling gampanan 'yung mga role na ganoon para sa akin." When he is asked though kung ano ang dapat abangan from Luna Mystika, Jace plays the humble card and says, "[ang] bagong tambalan nina Mark [Anthony Fernandez] at Heart [Evangelista] ." He continues, "ang galing ng pagka-shadow ni Heart—as in first time na magawa sa primetime na may shadow—tapos 'yung prosthetics? "Sobrang hirap 'yung mga costume nila!" Dagdag pa niya, "hindi lang pang-adult 'yung show—pambata din." So we had to ask again, ano ba ang dapat abangan from Luna Mystika - lalo na sa kanya. "From me?" Incredulous na tanong ni Jace. He says, "Sana abangan nila 'yung talagang gampanan ko 'yung role. Siga talaga." He hopes na he will play the role well, sabay dugtong na pambiro: "I'm sure I'll bring out the old Jace." Napanood niyo na ba si Jace sa Luna Mystika? Ano ang masasabi niyo? Keep watching the program every weeknight, pagkatapos ng 24 Oras. Kung gusto niyo naman makausap si Jace ng masinsinan, just keep logging on sa iGMA for the details ng Date a Survivor promo!