TV

Jillian Ward, excited makatrabaho muli si Gina Alajar

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi maitago ng Kapuso teen actress na si Jillian Ward ang kanyang excitement nang malaman niyang makakatrabaho niya sa Prima Donnas ang mga aktor na nakasama na niya noon.

Jillian Ward

Jillian Ward on her role in 'Prima Donnas:' "Si Trudis Laki na"

Sa katunayan, nakikita niya ang Prima Donnas bilang isang reunion ng kanyang buong karera sa showbiz.

"Parang nararamdaman ko nga po na parang reunion po ng halos buong career ko kasi halos lahat ng nakakasama ko, 'yung mga dati ko pong nakasama," saad ni Jillian.

Naging co-star na ni Jillian ang batikang aktres at direktor na si Gina Alajar sa Trudis Liit noong 2010 pero hindi niya pa ito nakakatrabaho bilang direktor.

LOOK: Jillian Ward celebrates Trudis Liit's 9th anniversary

"Mabait naman po si Direk Gina pero ninenerbyos po ako na ma-disappoint ko po siya," pag-amin ni Jillian.

Dagdag niya, kakaibang direktor si Gina dahil naiintindihan niya pareho ang production at artistic aspect ng programa.

"Napaka-artistic," puri ni Jillian kay Gina. "Kapag nabablocking po kami, parang siya lang po 'yung director na talagang inaarte niya po.

"Pinapakita niya sa amin, ginaguide ka po niya kung ano 'yung dapat gawin.

"Yung talaga ipapakita niya po sa 'yo kung ano 'yung dapat emotion, kaya po every eksena, parang talagang perfect.

"Lahat po ng actors may designated emotions po sila."

Makakasama rin ni Jillian sina Wendell Ramos, na nakasama na niya noon sa Jillian: Namamasko Po noong 2010, at si Benjie Paras, na nakatrabaho ni Jillian sa The Last Prince.

Bukod kina Wendell at Benjie, kasama rin sa Prima Donnas sina Katrina Halili, Aiko Melendez, at Chanda Romero.

"Ngayon po, mas na-e-excite ako kasi alam ko na mas marami akong ma-a-adapt na mga life tips, mga acting tips," kuwento ni Jillian.

"And 'yung pagpo-form po namin ng friendship kahit mas matatanda po talaga sila sa amin."

Iikot ang istorya ng Prima Donnas sa triplets na sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.

Si Jillian ang gaganap na Donna Marie, samantalang sina Althea Ablan at Sofia Pablo naman ang gaganap sa karakter nina Donna Belle at Donna Lyn.

IN PHOTOS: First look at the cast of 'Prima Donnas'

Abangan ang Prima Donnas, malapit na sa GMA Afternoon Prime!