
Pinuri ng batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina ang galing sa pag-arte ni Alden Richards.
Sa ginanap na press conference ng pelikula ni Alden na Hello, Love, Goodbye, inamin ni Direk Cathy na nagkamali siya nang sabihin niyang marunong umarte si Alden.
"I have worked with so many actors na mababait at magagaling, Alden is one of them," deklara ni Direk Cathy.
"Noong sinabi nilang Alden, sabi ko, 'Hmm taba lang' pero sabi ko, 'Mukhang marunong umarte 'tong bata na 'to.
"Nagkamali ako. Hindi siya marunong, magaling siya."
LOOK: Alden Richards now leaner thanks to new diet
Naluha naman si Alden sa narinig niyang papuri mula sa batikang direktor, at hindi napigilan na lumuhod sa harap nito.
Photo by: Mike Paunlagui
Kakai Bautista, bilib sa determinasyon at disiplina ni Alden Richards
Sa Hello, Love, Goobye, gagampanan ni Alden ang karakter ni Ethan, isang OFW sa Hong Kong. Pagtatagpuin sila ng karakter ni Kathryn Bernardo na si Joy na isang baguhang OFW.
Makakasama rin nina Alden at Kathryn sa Hello, Love, Goodbye sina Lovely Abella, Kakai Bautista, Jeffrey Tam, Joross Gamboa, at Jameson Blake.
EXCLUSIVE: Lovely Abella, bilib sa focus ni Alden Richards sa movie na 'Hello, Love, Goodbye'
Mapapanood na sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye simula July 31.