Showbiz News

Meet the multi-talented Michael Roy

Painit ng painit ang mga eksena sa primetime telebabad dahil sa mga 'di matatawarang fights scenes ng 'Gagambino.' Aside from Dennis Trillo, the man behind these breath-taking scenes ay walang iba kung hindi si Michael Roy – ang fight director ng show. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Connie M. Tungul Isa si Michael Roy sa mga secondary characters ng Gagambino. In fact aminado siya na maliit lang ang role niya dito. "Bale yung character ko, maiksi lang siya e. Ako yung driver ni Isabel Oli" said Michael during our visit to the set ng Gagambino. Kasalukuyan noong kinukuhanan ang training ng La Liga Insekta, kaya naging interested kami sa mga fight sequences ng grupo. Kaya naman laking gulat namin ng sabihin sa amin ni Michael na aside from being an actor in this show, siya rin pala ang isa sa mga fight directors ng Gagambino. "Kami ‘yung nagdi-direct ng fight scenes ni Dennis (Trillo), ni Isabel (Oli), ni Glaiza (de Castro), ni Katrina (Halili) and ni Polo (Ravales) at saka ni Ms. Jean (Garcia)," ang paliwanag ni Michael sa amin. Dinagdag pa niya na ever since nagkaroon ng injury sa knee si Dennis, he has also become a body double for the lead actor. "Si Dennis kasi parang torn yung sa tuhod niya, so pag medyo umiikot na at kailangan na mag-Gagambino effect, ume-entra na ako diyan." Nalaman namin na isa palang black belt holder si Michael sa taekwondo and seven years na siyang active sa Philippine Taekwondo Organization. He also teaches taekwondo sa organization nila kaya naman very qualified si Michael na maging fight director ng Gagambino. "Ang ginagamit namin dito sa Gagambino is medyo Wushu. Chinese Martial Arts 'yon, more on the art form ng katawan. Tapos at the same time nilalagyan ko ng medyo pagka-mixed martial arts kasi ang gusto nila parang Spiderman 'to, kasi di ba, yung character is powerful pero at the same time cinematic ang movements. Kasi ang ordinary suntok, halimbawa, derecho, pangit naman kung gumanon lang si Gagambino. E mala-Spiderman di ba? Siyempre iikot muna siya bago niya sapakin, para cinematic," ang paliwanag ni Michael sa amin. Kaya naman lalo pang gumaganda at nagiging kapanapanabik ang mga eksena ng Gagambino. Kaya huwag palalampasin ang pakikipaglaban ng La Liga Insekta kay Abresia. Tune in to Gagambino weeknights pagkatapos ng Luna Mystika.