Showbiz News

#TomCar: Carla Abellana, nagsalita na kung may plano na siyang magka-baby

By Aedrianne Acar

Kahit matagal na ang relasyon ng TomCar, binigyan diin ng Kapuso primetime actress Carla Abellana na wala pa siyang plano na magka-baby.

Tom Rodriguez at Carla Abellana

Tom Rodriguez writes a song for his "muse"

Ito ang nilinaw ng aktres, matapos usisain ng ilang netizen sa Instagram kung kailan sila magkakaroon ng supling ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez.

Nag-post kasi si Carla ng cute baby photo sa social media site at makikita na sunud-sunod ang tanong sa kanya patungkol sa baby plans niya.

Ayon kay Carla, mauuna muna silang magpakasal bago pa man nila maisipang magsimula ng kanilang pamilya.