Alden Richards at Kathryn Bernardo sa 'Unang Hirit,' trending topic sa Twitter
Dumalaw ng sabay sa unang pagkakataon ang lead actors ng Hello, Love, Goodbye na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ngayong umaga (July 12) sa Unang Hirit.
Sa hit morning show, isinaad nila ang kanilang first impressions, paano sila naging kumportable sa isa't isa, at naglaro pa ng photobooth challenge kasama ang Unang Hirit barkada na sina Suzi Abrera at Luane Dy.
IN PHOTOS: At the press conference of Alden Richards-starrer 'Hello, Love, Goodbye'
Dahil dito, naging number one trending topic sa Twitter Philippines ang hashtag,“#KathAldenOnUH.”
Hindi naman naitago ng fans ang kanilang excitement sa unang interview ng dalawa para sa network.
Mapapanood sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye simula July 31.
Cathy Garcia-Molina praises Alden Richards's acting: “Hindi siya marunong umarte, magaling siya!"