Showbiz News

Prince Of Horror

Prince is happy na kahit hindi pa siya nagbibida, hindi rin siya nawawalan ng project. Kaya naman lalo siyang natuwa when he got cast as part of 'Shake, Rattle and Roll's' tenth offering through 'Class Picture'. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. When Prince started filming Class Picture, alam na kaagad ng aktor na hindi siya ang bida ng episode na 'yun ng Shake, Rattle and Roll X. "Actually, gusto ko siya [kahit] hindi man ako bida. Nafi-feel ko [pa] rin na nabi-build-up ako sa showbiz." Ayon nga kay Prince, this is his busiest time ever sa entertainment industry. Dahil bukod sa Luna Mystika, meron pa siya nitong movie. "Marami ring artistang walang trabaho; so very thankful ako na meron pa rin akong work." Ang story ng Class Picture ay nagmumula sa isang curse na ipinataw ng isang tao sa kanyang classmates through their class picture. At ang mga kasama ni Prince sa episode na ito ay ang kanyang StarStruck batchmate na si Stef Prescott, Ms. Jean Garcia at ang mga teen stars ng kabilang station na sina Kim Chiu and Gerald Anderson. "Mabait sila," sabi ni Prince about his first time co-stars na sina Kim at Gerald. "Nung umpisa lang nagkaka-ilangan kasi kami. Hindi pa namin masyado kilala 'yung isa't-isa. Pero nung tumagal na 'yung shoot, parang kumportable na kami—nagbibiruan na." And what do they usually talk about, kapag magkakasama sila? "Tinatanong [nila] 'yung sa GMA, kung ano meron [dito]." Dagdag pa ni Prince na sine-share din naman niya ang buhay Kapuso—" at 'yung Luna Mystika na pinagbibidahan nina Heart [Evangelista] at Mark Anthony [Fernandez]." And in turn, he continues, nagkukuwento rin naman sila about sa buhay nila doon. Ano kayang chemistry ang makikita sa group nina Prince at sa mga kasama niya sa Class Picture? Watch Shake, Rattle and Roll X when it hits cinemas beginning December 25, part of this year's Metro Manila Film Festival! Gusto mo bang maka-text si Prince? Just text PRINCE to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) And catch him every weeknight sa last fantasy soap ng GMA Telebabad this year—ang Luna Mystika pagkatapos ng 24 Oras.