Showbiz News

#10DaysToGo: Netizens, excited na mapanood ang 'Family History'

By Aedrianne Acar

Movie event of the year ang nalalapit na premiere ng family drama movie na 'Family History,' ang joint production ng Mic Test Entertainment at GMA Pictures.

Eksena ni Dingdong Dantes sa 'Family History,' patok sa mga netizen

Ito rin ang magsisilbing comeback movie ni multi-awarded comedian Michael V. matapos ang ilang taon at ito rin ang first time niya na makapag-direk ng isang full-length film.

Last July 14, nagparamdam ang ating mga Kapuso at fans ng Kapuso comedian sa Twitter matapos mag-trend ang #FamilyHistory10DaysToGo at umabot sa top spot sa Twitter Philippines.

Full-force na rin ang mga bida ng Family History sa kanilang promotion, dahil dinagsa ng mga tao ang mall show nila sa Starmall, San Jose Del Monte Bulacan kahapon, July 14.

Hindi magkamaayaw ang mga tao na magpa-picture kina Direk Michael at sa leading lady niya na si Ms. Dawn Zulueta. Sinuklian naman nila ang mainit na suporta ng mga tao, dahil wala silang pagod na nagpa-picture sa mga ito.

Catch the nationwide premiere of Family History showing in cinemas on July 24.