Showbiz News

EXCLUSIVE: Ken Chan, kinilabutan nang mapanood ang 'Family History' trailer

By Aedrianne Acar

Laking tuwa ni Ken Chan na natupad ni Michael V. ang pangarap niya na maging film director via his highly anticipated film na Family History.

Ken Chan

Eksena ni Dingdong Dantes sa 'Family History,' patok sa mga netizen

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Ken Chan last July 12, nagkuwento ang aktor kung gaano ka-metikuloso si Direk Bitoy sa kanyang shows.

Wika niya, "Happy ako kay Kuya Bitoy. Alam ko kasi, isa sa mga pangarap niya ito. And nakatrabaho ko si Kuya Bitoy sa Bubble Gang nung nag-guest po ako and sa Pepito Manaloto. At naramdaman ko at nakita ko sa kanya na gustong-gusto niya maging director."

"Talagang nakikialam siya hindi lang sa acting niya, nakikialam siya sa script sa istorya kung ano 'yung magiging flow ng istorya, nakikialam siya sa creative team. Hindi lang siya isang aktor kung 'di talagang makikita mo sa kanya 'yung future ng isang direktor."

Lubos ding humanga ang Kapuso actor sa teaser at trailer ng Family History na sinabi niya na 'nakakakilabot' sa ganda.

Ani Ken, "And itong Family History na mapapanood na this July 24 sobrang ito yung baby niya for sure at talagang dapat suportahan natin ito.

"Napanood ko 'yung trailer. Ang ganda, kinilabutan ako."

Samantala, kasama rin ni Ken Chan sa recording session ang kapareha niya na si Rita Daniela at pinuri niya si Bitoy na tinawag niya na isang 'great actor.'

"Lumaki kasi ako na 'yung pamilya namin mga kuya ko mahilig kami sa comedy. Siyempre ako as a fan, sobrang masaya ako kasi ang galing at hindi ko alam kung ang lahat aware pero mostly of the comedians, they are the greatest actors ever and they are the most intelligent people kasi mahirap magpatawa."

"Hindi n'yo ba napapansin kapag may comedian, gumawa siya ng drama sobrang 'ah Oh My God' talagang tagos sa puso."

Binalikan din ng Kapuso singer ang time na nakapag-guest siya sa sitcom ni Michael V. na Pepito Manaloto at bilib siya sa habit ng show na mag-script reading ang lahat ng artista bago sumabak sa taping.

"Nung nag-Pepito nga ako, bago magsimula 'yung buong taping magri-reading muna kami lahat as in 'walang star ka' ganun, lahat magri-reading kayo as in babasahin n'yo lahat. Tapos sasabihin niya kung ano 'yung pagsabi mo sa line, i-e-explain niya ganun. Talagang sobrang rolled into one siya as a writer and director."

Huwag magpapahuli sa nationwide premiere ng Family History showing this July 24.