Showbiz News

Hugot line ni Dawn Zulueta sa 'Family History,' tagos sa puso ayon sa netizens

By Aedrianne Acar

“Importante din pala yung pinaparamdam niya sa iyo na mahal na mahal ka niya.”

Marami ang naantig sa linya na ito na binitawan ni Ms. Dawn Zulueta sa viral trailer ng 'Family History.'

Gumaganap si Dawn bilang si May na butihing asawa ni Alex, ang karakter naman ng Multi-Awarded Comedian na si Michael V.

#FamilyHistory: Direk Michael V. in action!

Hindi maiwasan ng mga netizen na tamaan sa hugot line na ito ng highly-respected movie actress.

Samantala, taos-puso naman ang pasasalamat ni Dawn Zulueta sa lahat ng mga Kapuso at fans niya na pumunta sa successful mall show ng 'Family History' sa San Jose Del Monte Bulacan kahapon, July 14.

Sunud-sunod naman ang kanyang Instagram Story kung saan ipinasilip niya ang jam-packed crowd na pumunta para sa kanilang event.

Alamin ang buong kuwento ng mag-asawang Alex at May sa 'Family History' na ipapalabas sa mga sinehan sa July 24.