Showbiz News

Princess Velasco, maglalabas ng kanta sa ilalim ng GMA Music

Masayang sinalubong ng GMA Music si Princess Velasco sa contract signing na ginanap noong July 10.

Princess Velasco

Dumalo sa contract signing sina GMA Music Managing Director Rene Salta, at GMA Music A&R Manager Kedy Sanchez.

Kilala bilang OPM Acoustic Princess, natutuwa si Princess na muli niyang magagawa ang isa sa kanyang passion, ang pag-record ng kanta.

“I'm very excited to make new music kasi I missed singing and I'm very happy na nabigyan ako ng opportunity to work with GMA Music. The songs that we're going to do ay sobrang ganda at sobrang malapit din sa puso ko,” lahad niya.

Sandaling tumigil sa paggawa ng kanta si Princess upang pagtuunan ng oras ang kanyang pamilya. Ngayon, malapit na siya muling mapakinggan ng kanyang fans sa kanyang upcoming single, ang “Konti Na Lang” na isinulat ni Noah Zuniga.

Kwento pa niya, “It's very Pinoy kasi ang lyrics niya ay sumasalamin sa buhay ng mga karaniwang Pilipino. May mga gusto tayong gawin o maabot pero minsan parang ang layo at hindi natin alam paano 'yun mararating. Nakaka-inspire 'yung pagkakasulat ng kanta at 'yung melody, nakakaantig ng damdamin. I really loved it.”

Ibinahagi naman ni GMA Music Managing Director Rene Salta na marami pang dapat abangan mula kay Princess, “We are happy that she signed up with us. We all know that she has an amazing voice that deserves to be heard. We are also looking forward to our future releases which will consist of original Filipino music.”

(L-R) GMA Music A&R Manager Kedy Sanchez, Princess Velasco, and GMA Music Managing Director Rene Salta