Showbiz News

Netizens, naantig ang damdamin nang maging emosyonal si Isko Moreno dahil kay Kuya Germs

By Loretta Ramirez

Bumuhos ang reaksyon ng netizens nang mapanood nila ang interview ni Manila Mayor Isko Moreno sa Dobol B sa News TV kaninang umaga.

Halos patapos na ang programa nang binanggit ng multi-awarded DZBB anchor at 24 Oras host Mike Enriquez si Kuya Germs sa kanilang usapan.

Agad naging emosyonal si Isko nang inalala niya ang kanyang That's Entertainment Days kasama ang showbiz icon na si German Moreno a.k.a. Kuya Germs.

"Kasi mga 200 plus kaming mga bata sa [That's Entertainment] 'di ba? Ever since lagi siyang naka-focus sa akin," kuwento ng kontrobersyal na mayor.

Ani Mike, "Huwag kang maiyak mayor, dahil masayang-masaya po siya ngayong umaga. Masayang-masaya po ang Kuya Germs ngayong umaga."

Sinusugan naman ito nina Arnold "Igan"Clavio at Ali Sotto na sumali rin sa programa.

"Hindi mo naman [siya] binigo di ba?" Sambit ni Igan.

Dagdag naman ni Ali. "Very proud [si Kuya Germs]... actually ang buong GMA-7 network very proud of you."

Pati ang netizens tila nakiisa sa kanila sa pag-alo kay Isko. Marami rin ang naantig.


Nangako si Isko na muling babalik sa DZBB matapos ang isang taon upang mag-ulat ng kanyang mga ginawa sa Lungsod ng Maynila.

Nagtapos ang programa nang masaya habang tumutugtog ang 'Dying Inside' na muli niyang pinasikat nang mag-guest siya sa Tonight with Arnold Clavio.

WATCH: Mayor Isko Moreno, hindi umatras sa dance challenge ni Arnold Clavio