Showbiz News

WATCH: Michael V., pinuri ang pool of writers ng 'Family History'

By Cara Emmeline Garcia

Mahigit isang taon isinulat at binuo ni multi-awarded comedian Michael V. ang script at screenplay ng kaniyang upcoming movie na may pamagat na Family History.

Michael V

Pero kung mayroon man siyang pasasalamatan sa pagtupad ng kaniyang life-long dream na maging direktor at scriptwriter, ito ay ang creative team ng comedy series na Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento.

Ani Bitoy, “Kung meron man nagtulak sa akin para gawin 'yung pelikula, it's this team. Kasi alam ko hindi ako pababayaan e. Alam kong 'pag kinapos ako ng idea, merong sasalo sa akin.

LOOK: 'Family History' holds star-studded media conference

Ang writers na tumulong kay Bitoy sa pagsulat ng pelikula ay binubuo nina Mike Rivera, Mcoy Fundales, Mark David, at Chito Francisco.

Bahagi ng grupo, kung paano nila binubuo ang mga istorya sa Pepito Manaloto ay ganun rin daw sa Family History.

Salaysay ni Mike Rivera, “'Yung stories o kuwentong nangyayari sa totoong buhay, sine-share namin sa buong team.

Nakakahiya man siya, well usually nakakahiya naman yung mga nangyayari sa buhay namin, tapos ginagawa namin siyang kuwento.”

Ganito rin ang pananaw ni singer and writer Mcoy Fundales. “Hindi man sa amin, ito 'yung personal experiences ng mga taong kilala namin o malalapit sa amin.”

Mapapanood na sa mga sinehan ang Family History simula sa July 24.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel:

Dawn Zulueta commends Michael V. for his 'clear vision' in writing 'Family History'

CEB gives 'Family History' 'B' grade, lauds BiDawn for performance