Showbiz News

Why Eula Loves Working with Direk Dom

Eula Valdez has been with GMA-7 for two shows now, 'Kamandag' and 'LaLola.' But what exactly is the reason why the veteran actress prefers to stick to the Kapuso network? iGMA tries to find out. Text and Photos by Jason John S. Lim, with an interview by Jillian Q. Gatcheco. After the successful run of Kamandag, Eula Valdez disappeared for a while from showbiz. Ayaw ba niya sa GMA? Babalik na ba siya sa kabilang station? These were just some of the rumors put to rest when Eula was announced to be part of GMA's latest remake series, LaLola. But between her first Kapuso show and the next, mahaba-habang panahon rin ang lumipas. Not so with her new project; at the heels of LaLola, susunod kaagad ang All About Eve, where she will once again star opposite Jean Garcia. Talaga nga namang kaabang-abang, hindi ba? Pero si Eula, iba ang inaabangan—ang makatrabahong muli si Direk Dominic Zapata. First Impressions "'Yung first time ko siya na-meet?" Eula tries to remember her first encounter with the director infamous for his humor. Sabi niya, only knowing a couple of directors sa GMA, and only having directors from the other channel as basis, nailang daw siyang talaga kay Direk Dom. "Kasi hindi ko alam kung mayabang ba siya o ano, o nagpapa-cool, o—basta 'yung ganoon," tumatawang sagot ni Eula nang maalala niya ang first time na ma-mett ang direktor. "Ngayon, alam ko na [kung] ano siya." Marami na ring mga artista ang nakasama si Direk Dom, at lahat naman sila ay natutuwa sa kanya. Eula is no exception. Hindi naman sa ikinukumpara niya si Direk Dom sa mga nauna niyang nakatrabaho. Pero hindi niya maikaiila na kakaiba talaga ang current director niya: "Approachable, sobra. Fun na director—as in. Bihira 'yung nakikita mong directo na nakikihalubilo siya [sa] lahat ng staff or ano, 'di ba? Walang diyos-diyosan." Kaya nga naman, gustong malaman ni Eula: "Para sa susunod na project, siya din ba [ang] director?" It seems Direk Dom has made his mark na on Miss Eula. So si Direk Dom nga ba ang magiging director muli ng susunod na project ni Eula? Only time can tell. For now, sapat na alam nating Kapuso pa rin si Eula Valdez. Saan siya mahahanap? Sa LaLola every weeknight after ng Gagambino .At pagkatapos nito, sa All About Eve naman, kasama nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Jean Garcia. Bukod pa dito, may album din si Eula na released na sa lahat ng record bars—ang Schizo.