Showbiz News

WATCH: Miguel Tanfelix, eyes on expanding his talent as he renews contract with GMA Network

By Cara Emmeline Garcia

After 15 years, isang loud and proud Kapuso pa rin si Sahaya leading man Miguel Tanfelix sa kanyang pagpirma ng kontrata sa network kahapon, July 23.

Present sa contract signing sina GMA Network Inc. Chairman and CEO Felipe L. Gozon, GMA President and COO Gilberto Duavit Jr., GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, at GMA Senior Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara.

Matapos pumirma ng panibagong exclusive contract sa Kapuso Network, isinaad ni Miguel ang kanyang plano na mas palaguin pa ang kanyang talento sa pag-arte.

Aniya, “Sa dami nang nagawa ko, marami pa rin akong gustong gawin sa career ko.

“Siguro isa na diyan 'yung pagiging bida-kontrabida, gusto ko rin ng action, marami po, e.

“Ngayon, nagwo-workshop ako para ma-expand 'yung mga kaya ko pang gawin, para mas maging versatile pa po ako.”

Pumasok ang Kapuso actor sa network noong 2004 nung sumali siya sa reality artista search na StarStruck Kids.

Simula noon ay sa network na nahasa ang kaniyang galing sa pag-arte.

Miguel Tanfelix remains a Kapuso after 15 years


Samantala, nagagalak rin si Atty. Gozon sa pananatili ni Miguel sa network.

"Tayo ay parang naging tatay ni Miguel, and we are very glad na he is staying with us.

“Habang tumatanda si Miguel ay gumagaling na artista. At hindi lamang 'yun, gumaguwapo pa.

“Kaya talagang nagagalak tayo na Kapuso pa siya hanggang ngayon," pagtatapos niya.

IN PHOTOS: Miguel Tanfelix renews contract with GMA Network

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan: