Showbiz News

WATCH: Michael V. feels overwhelmed with the outpouring support from Kapuso stars in 'Family History' premiere night

By Cara Emmeline Garcia

Dinagsa ng ilang Kapuso actors and actresses ang premiere night ng pinakaabangang directorial debut ni multi-awarded comedian and content creator Michael V. kahapon, July 23.

Michael V & Dawn Zulueta

Sa naganap na pink carpet premiere sa SM Megamall, nakapanayam ni Iya Villania ang lead cast ng pelikula na sina Bitoy at Dawn Zulueta.

Bahagi ni Michael V., sobra-sobra ang natatanggap niyang suporta mula sa ilang celebs sa network.

Aniya, “Nakakatuwa! Ang dami ngang nagme-message sa akin sa social media.

“'Yung support nila talagang overwhelming and sana nga mapanood na nila ito.”

At kung may matutunan man sa nasabing pelikula, salaysay ni Bitoy, “Ako, generally, 'yung sa pamilya e.

“You have to value your family and [hopefully] sa paglabas nila pagkatapos mapanood ang pelikula ay mas lalo nilang mahalin ang pamilya nila.”

Mapapanood na ang Family History nationwide simula ngayong July 24.

Panoorin ang buong panayam ni Iya Villania:

IN PHOTOS: 'Family History' pink carpet premiere

Dawn Zulueta on watching 'Family History' for the first time: “It was much more than I expected”