Showbiz News

WATCH: Manny Pacquiao plans to continue boxing: 'Masaya pa kong lumalaban.'

Back to work muli si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa Senado kahapon, July 23.

Ito ay ilang araw pagkatapos ng kanyang pagkapanalo laban kay American boxer Keith Thurman noong Sabado, July 20.

Masakit man ang katawan, all-smiles pa rin ang fighting Senator sa kanyang press interview.

“Masakit pa 'yung katawan ko kasi dalawang araw pa lang, e,” sabi ni Manny habang naka-shades para takpan ang kanyang eye injury.

“Excited akong magtrabaho kasi ayaw kong ma-miss 'yung mga importanteng topics kaya back to work muna tayo.”

Sa edad na 40, wala pa raw planong mag-retiro sa pagboboksing si Pacman.

“I continue my boxing career for a purpose: To inspire people to rise above their limitations and overcome their circumstances.”

WATCH: Manny Pacquiao, balik-bansa at balik-trabaho na


Pero bahagi ni Manny ay nag-aalala ang kaniyang kaibigan at longtime coach na si Freddie Roach.

Bagama't maganda raw ang performance ni Manny kontra kay Thurman ay masyado raw maraming tama ang natamo ng boksingero sa ring.

Dahil dito, kailangan raw nilang pag-usapang mabuti kung ano ang susunod na hakbang ng Pambansang Kamao at kung dapat pa siyang magpatuloy sa boksing.

“Depende siguro,” sagot ni Manny.

“Sabi naman niya depende kung ano ang mapapag-usapan.

“Okey naman daw yung performance ko at ano lang... kailangan i-manage pa 'yung time.

“Masaya pa kong lumalaban.”

Panoorin:


LOOK: Celebrities congratulate Manny Pacquiao for victory over Keith Thurman

WATCH: Jimuel wants dad Manny Pacquiao to retire