Showbiz News

Tried and Tested: GMA Telebabad

Ngayong 2009, handa na ang GMA na makipagbakbakan muli when it comes to prime time programming. At patutunayan muli ng GMA Telebabad kung bakit sila ang prime time block of choice ng mga Pinoy. Sa 2009 pa matatapos ang current hitters ng GMA Telebabad: ang Luna Mystika, Gagambino at LaLola. Pero hindi pa man tapos ang mga shows na ito, four others are already lined up to replace them to form a truly formidable Telebabad block.
Not that hindi formidable ang current line-up ng GMA Telebabad. LaLola continues to be the fascinating journey of a man turning into a woman hanggang this month. But people won't have to wait long para malaman kung magkakatuluyan ba sina Facundo at Lola. Dahil by February, may bagong love team nang magtatanong ng 'Will they or won't they end up together?' Ito ang pagbabalik-telebisyon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Hango sa comic serial ni Carlo J. Caparas, Ang Babaeng Hinugot sa Tadyang is being set up as the most challenging roles for both Marian and Dingdong, with the former being more palaban and more cunning as the mysterious Proserfina, and the latter being a more subdued and subversive as the conflicted Homer. At sa pagtatapos naman ng Gagambino, magkakabukingan na ang mga superheroes. Sino nga ba ang mga magulang ni Gelay? At kanino mapupunta ang puso ni Bino? Pero hindi mami-miss ng mga avid GMA viewers ang action sequences at dramatic scenes ng Gagambino, dahil nakahanda na ang mga seryeng papalit dito: ang Totoy Bato at ang All About Eve.
Totoy Bato brings back Robin Padilla sa television screens—at sa pangatlong pagkakataon, iba na naman ang makakasama ng Bad Boy na ito sa kanyang series: sa katauhan ni Regine Velasquez. Paano pagtatagpuin ang maduming mundo ni Totoy Bato at ang magarang buhay ng singer na kanyang napupusuan? Samantalang sa All About Eve naman ay pagsasamahin ang kakaibang star powers nina Iza Calzado at Sunshine Dizon, kasama ang mga batikang artista na sina Eula Valdez at Jean Garcia, with Richard Gomez. At sa pagtatapos ng Luna Mystika, kung saan mga mito at alamat ng Pilipinas ang nagpapaikot sa mundo, magbabalik naman sa nakaraan ang GMA through Zorro. Zorro stars Richard Gutierrez bilang the titular character na magliligtas sa mga naaapi. Sino ang makakasama ng aktor bilang his leading lady? And paano gagawin ni Richard Gutierrez ang kauna-unahang historical series ng GMA? At kung hindi ka pa kuntento diyan, marami pang darating sa 2009! Masasaksihan na ba ang Full House at Captain Barbell Meets Darna? Lalabas na ba kung sino ang gaganap bilang Coffee Prince? At magkakaroon na rin ba tayo ng sariling Rosalinda? Alamin this 2009—only on GMA Telebabad.