Showbiz News

New Year, New Mom

Kilala si Angelika dela Cruz bilang isang magaling na actress at singer. Now that she is at the threshold of a new chapter in her life, she tells us how she's preparing for this new year's exciting challenge. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Very visible pa rin si Angelika sa telebisyon kahit na halata na ang kanyang 6-month baby belly. Nakatulong na rin siguro na ang kanyang role ngayon sa primetime show na La Lola ay pregnant din. "I will be taping until January, kasi may role naman is pregnant na so hindi na ko nahihirapan," explained Angelika at her baby shower. "I can wear flats finally! At saka ‘yung mga pam-buntis na [damit] so hindi na ko mahihirapan.”
Dito rin sa event na ito namin tinanong kung ready na ba siya para sa new challenge na haharapin niya this year when she becomes a full-fledged mom. "I read books, pati nga 'yung pagti-take care ng baby. I always read. Tapos in the morning we play classical music, ganoon, and siyempre I eat healthy," ang kuwento ng glowing mom-to-be. Sa April pa scheduled manganak si Angelika, pero siyempre excited na siya at si Orion, her husband, sa pagdating ng kanilang panganay na pinangalanan na ng dalawa na Gabriel. "It's actually the name of my lolo, pero gusto lang kasi namin na Gabriel kasi it is such a nice name at saka parang angel, ‘di ba?" ang sabi ni Angelika na mukha rin namang angel herself. She also shared na natapos na rin ang nursery room ng kanyang Gabriel and that she will be actually using the gifts that they received sa baby shower. "Finished na 'yung nursery room kaya lang siyempre the stuff are here so hindi pa siya nakaayos. I mean, that’s the whole point nga sa baby shower, eh, so you won't have to go and get the stuff by yourself, 'di ba? The baby room is mint green, apple green, at ang ganda and fresh," excited na kuwento ng aktres. Talaga namang nakakahawa ang excitement ni Angelika and all her fans are really looking forward to the baby din. Although mawawala si Angelika ng ilang months, she assured her fans that she would soon be back sa limelight. "Weeks lang, tapos [kong manganak] mag i-start na agad ako sa taping. Kaya naman happy ako and of course thankful sa GMA. I love my work, I love my fans and hinding-hindi ako mawawala." Tiyak namang aabangan ng mga tao ang pagbabalik ni Angelika sa showbiz after she gives birth. In the meantime, panoorin natin siya sa La Lola weeknights during the prime time telebabad block ng GMA.