Showbiz News

Dennis, Hindi Pa Ready for a Big Concert

After releasing his first album in 2007, Dennis Trillo has proven that he's not just an actor, but a total performer. Pinatunayan pa lalo niya ito when he joined 'SOP,' na kaya niyang mag-host at mag-perform ng live in front of a big audience. Pero bakit parang wala sa plano niya ang magkaroon ng sariling concert this year? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Maganda ang performance sa ratings game ng prime time show ni Dennis, ang Gagambino. Kaya naman masayang-masaya si Dennis nang makapanayam siya ng iGMA sa set ng nasabing show. Kinamusta namin siya and the interview went from an update of Gagambino to his singing career.
Dennis confided to us that there are indeed plans to release another album sometime soon. “Nag-meeting na sila Kuya Ogie [Alcasid] at saka yung manager ko, and sa Universal [Records] dahil sila ulit 'yung magpo-produce. Tapos ngayon nagko-collect na kami ng mga puwede kong kantahin at mga materials na puwede kong i-revive,” kuwento ng aktor. Idinagdag pa niya na naiiba ang kanyang bagong album from his first, dahil na rin sa genre at sa expected listeners nito. “Gusto nila (producers), mas masa 'yung second album ko. Mas gusto nilang mas mag reach-out sa masa at sa mas maraming mga taga-pakinig kasi 'yun 'yung kailangan eh,” banggit ng Gagambino superhero. Pinuri rin namin si Dennis sa kanyang clear improvement in singing live sa SOP, at tinanong naming kung sign na ba ito na he has overcome his nervousness. Noticeable kasi ito during his first few months sa nasabing show. “Nandun pa din 'yung nerbiyos pero ngayon mas sinusubukan ko i-enjoy, lalo na ngayon bago 'yung studio," paliwanag niya. "Parang mas masarap mag-perform kasi 'yung pagkaka-set up ng stage niya parang intimate pa rin sa audience. Meron dung parang walkway na puwede kang maglakad and andyan lang 'yung audience. 'Yung interaction mo sa audience importante, eh. Hindi lang 'yung basta perform ka nang perform tapos harap sa camera. Kailangan i-enjoy mo lang talaga.” Obvious na very comfortable na siya with the idea of performing onstage in front of a big audience, kaya naman tinanong namin siya kung may plano na ba for a concert this year. “Wala pa siguro ‘yun. Ano muna, album," nakatinging sagot ni Dennis. "Kasi ayoko 'yung magkakasabay 'yung pressure, eh, so ok na muna ‘tong pressure muna sa TV. Siguro pagkatapos na lang. Bahala na, tingnan natin.” It seems na medyo matatagalan pa bago natin mapanood si Dennis sa isang big concert, pero one thing's for sure—he will continue singing and performing live sa SOP every Sunday at meron pang album na dapat nating abangan ngayong 2009!