Showbiz News

WATCH: Viral blind rapper Kokey, nakilala ang idol na si Gloc 9

By Marah Ruiz

Isang sorpresa ang natanggap ni Jericho Fernando Corpus o mas kilala sa bansag na Kokey mula sa kanyang idolo na si Gloc 9.

Kokey


Habang nagre-record siya ng cover ng Gloc 9 hit na "Sirena," dumating mismo si Gloc 9 para gabayan siya.

"Mas naging matalas 'yung iba niyang senses. 'Yung kanyang sense of memory sobrang galing. Bihira din akong makakita ng rapper na nakakagawa ng sarili niyang melody. Kayang-kaya ni Kokey 'yun. Sobra 'kong napabilib sa kanya," ani Gloc 9 tungkol sa nag-viral na bulag na rapper.

Nakatakda namang mag-perform si Kokey ng sarili niyang komposisyon sa upcoming anniversary special ng Sunday PinaSaya.

"Lagi lang kayong manalig kay Ama. Dahil kung ano man 'yung pangarap nila, makakamit at makakamit din 'yan. Konting pagsubok lang 'yan," pahayag ni Kokey.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:




'KMJS': Ang makulay na love life ni Jojo


KMJS: Ang pagkaulila ni Rheann