Showbiz News

Jennylyn Mercado recalls lowest point in her career: 'Akala ko 'di na 'ko makakabalik no'ng nabuntis ako'

By Jansen Ramos

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Ultimate Star Jennylyn Mercado matapos niyang balikan ang pinakamabigat na dagok na dumating sa kanyang career noong press conference para sa kanyang contract renewal sa GMA noong July 26.

Jennylyn Mercado

Jennylyn Mercado cries tears of joy as she renews ties with GMA Network

Sixteen years nang Kapuso si Jen at, aniya, thankful siya sa network dahil hindi siya pinabayaan nito lalo na noong pinagbuntis niya ang anak niyang si Alex Jazz, 10 taon na ang nakakaraan.

Saad niya, "Akala ko 'di na 'ko makakabalik no'ng nabuntis ako, no'ng nagkaroon ako ng anak, tinanggap nila ulit ako nang maluwag, tinaggap nila ako nang buong-buo.

"Hindi nila ko pinabayaan hanggang sa makarating ako dito kung nasa'n ako ngayon."

Ani pa ni Jennylyn, malaki rin ang kanyang pasasalamat sa suporta na ibinibigay ng kanyang pamilya at mga taga-suporta kaya naging successful ang kanyang career sa kabila ng pagsubok.

"Thankful ako dahil ang daming blessings.

"And'yan 'yung pamilya ko, marami akong kaibigan, and'yan 'yung mga taga-suporta ko, siyempe, 'yung anak ko rin and'yan para palakasin 'yung loob ko at para bigyan ako ng inspirasyon."

Nasa peak ng kanyang career si Jennylyn noong nabuntis siya noon, pinagsisihan ba niya ang nangyari?

Sagot ng Love You Two actress, "Wala kasi kung meron man akong ginawa noon na hindi ko sinasadya o hindi tama, siguro tama lang na pinagdaanan ko siya kasi marami akong natutunan sa mga pagsubok na 'yun."

IN PHOTOS: The Ultimate Star remains a Kapuso!