Showbiz News

Carla Abellana at Rhian Ramos, muling magsasama para sa family drama series na 'Love of My Life'

By Jansen Ramos

After five years, muling magsasama sina Carla Abellana at Rhian Ramos para sa upcoming family drama series na Love of My Life.

Huling nagkatrabaho sina Carla at Rhian sa My Destiny, kung saan sila gumanap na magkapatid.

Carla Abellana and Rhian Ramos

"More than five years ago, we played sisters sa My Destiny.

"We're happy na it's a reunion, we get to work together again," kuwento ni Carla sa panayam ng GMANetwork.com at ng 24 Oras.

Matagal-tagal din silang hindi nagsama sa isang serye ngunit sariwa pa kay Rhian ang kanilang pinagsamahan sa My Destiny.

Aniya, "Sayang, hindi na kami sisters this time because I had a lot fun before playing her sister, pero nae-excite ako makita kung ano 'yung magiging chemistry namin dito sa show na 'to."

Hindi man magkapatid ang kanilang gagampanang role sa Love of My Life, sa iisang bahay pa rin daw titira ang kanilang mga karakter.

Patikim ni Carla, "Abangan nila kung bakit kami magkasama sa bahay, hindi naman kami magkapatid, so magandang story siya, family drama."

For the first time, makakasama nina Carla at Rhian sa bagong serye ang dramatic actress na si Coney Reyes. Ano kaya ang masasabi ng huli sa mga bagong niyang makakatrabaho?

"I'm so looking forward to it, working with a different team, and then working with Carla, Rhian, Mikael, and the other members of the cast, and with Direk Don Michael Perez, so the whole team."

Dagdag pa niya, "It's going to be fun working with these young actors that I've never ever worked with before."

Bukod kina Carla, Rhian, at Coney, makakasama rin natin sa Love of My Life sina Tom Rodriguez at Mikael Daez.

Abangan 'yan sa GMA Telebabad soon!