Kilalanin ang mga pinay celebrities na pinatunayang wala sa timbang o waistline ang tunay na ganda.
Masasabing fat yet fabulous si dabarkad Ruby Rodriguez. Aminado mang namroblema siya tungkol sa kanyang timbang, ginamit niya ito to her advantage. Siya ang ambassador ngayon ng clothing brand na SM Woman Plus.
Talagang beautiful and confident si Cai Cortez na maituturing na isang body positive advocate. Bago lumabas sa ‘Imagine You & Me,’ bumida na rin sa independent films si Cai tulad sa CineFilipino Film Festival entry na ‘Ang Taba Ko Kasi.’
Bumigat at nagkalaman man ang dating sexy actress na si Francine Prieto, she has curves in all the right places.
Hindi timbang ang sukatan ng isang pagkatao. Napatunayan ‘yan ng internationally-acclaimed actress at napakamapagmahal na ina na si Jaclyn Jose. Tila ageless beauty rin ang pinagmanahang ina ni Andi Eigenmann.
Though she struggled in losing weight, nothing and no one can outshine the stardom of the one and only Megastar Sharon Cuneta.
Veteran actress Nadia Montenegro is on the road to a healthier lifestyle but she was never ashamed of her body.
Timbang man o traffic, walang makakasira sa araw ni Love Añover. Very fresh at bursting with energy lagi ang Reyna ng Kalsada.
Iba ang natural na ganda ni Teena Arches. Aside from being part of this plus-size girl group, Teena is also a beauty vlogger and model.
In whatever shape or size, Janice de Belen embraces her true beauty.
Hindi maikakaila ang angking ganda ni Jackie Forster na pansin din sa kanyang mga anak tulad nina Caleigh Forster, at Kobe at Andre Paras .
Walang kupas ang ganda, charms, at talent ng tinaguriang Star of the Decade noong 80s at 90s na si Manilyn Reynes.
Sa kanyang makinis na kutis at matamis na ngiti, hindi nalalayo ang ganda ni Ana Feleo sa kanyang best friend na si Marian Rivera.
Pansin na blooming ang singer-actress na si Karla Estrada.
Tunay na nakabibighani pa rin ang dating FHM cover girl na si Janna Dominguez.
Nakakagigil! Cute at maliit ngunit walang makakatalo sa charms ni Ryzza Mae Dizon.