Showbiz News

Meg Imperial, dinepensahan ang sarili matapos akusahan ng netizen na 'fake' ang kanyang designer bag

By Aedrianne Acar

Matapang na hinarap ng former Super Ma'am actress na si Meg Imperial ang akusasyon ng isang netizen na nagsabi na fake daw ang gamit niyang Louis Vuitton croisette bag.

Meg Imperial launches #DearAteMeg on YouTube

Mahigit isang buwan na nang i-post ni Meg ang photo na dala niya ang designer bag, pero isang netizen ang nag-komento sa naturang larawan at sinabing "hindi original" ang gamit niya.

Sumagot naman ang aktres para ipagtanggol ang sarili. Aniya, “It is. They didn't say its legit. So kindly stop messing my comment section for hate. If you do not agree with me posting something you called FAKE, You're free to not visit my page. As much as I respect your opinion. Respect mine too. Do it on your feed. Thank you.”

Heto pa ang mga sumunod na post ni Meg Imperial patungkol sa akusasyon ng netizen.