Showbiz News

WATCH: Rhea Santos bids goodbye to 'Unang Hirit'

By Aaron Brennt Eusebio

Hinandugan si Rhea Santos ng isang 'Balitawit' ng kanyang mga kasamahan sa Unang Hirit nang magpaalam siya rito kaninang umaga, July 31.

Rhea Santos


Binalikan din nina Arnold Clavio, Suzi Entrata, Lhar Santiago, Luanne Dy, Ivan Mayrina, Mariz Umali, Nathaliel 'Mang Tani' Cruz, at Atty Gaby Concepcion ang kani-kanilang masasayang alaala kasama si Rhea sa loob ng 19 na taon.

Pupuntang ibang bansa si Rhea kasama ang kanyang pamilya at binabalak niyang bumalik sa pag-aaral.

"Hindi naging madali ang naging desisyon na magpaalam sa tahanang nagmahal sa akin at minahal ko," ani Rhea habang pinipigilan ang kanyang mga luha.

Pinasalamatan din ni Rhea ang buong GMA sa tiwalang ibinigay sa kanya sa mahabang panahon at ang mga Kapusong patuloy na sumusubaybay sa Unang Hirit.

"I'll take this opportunity na rin po siyempre para magpasalamat sa sa GMA sa tiwala," saad ni Rhea.

"Salamat sa mga ka-trabaho, na mga naging kaibigan at pamilya ko na po.

"Higit sa lahat, salamat sa inyo, mga Kapuso, na nagbukas ng kanilang mga tahanan para papasukin po ako tuwing umaga sa loob ng 19 na taon.

"Sabay po tayong humigop ng kape, isinabay niyo ako sa pagkain niyo ng almusal, 'yung pagpasok niyo sa opisina, sa eskwelahan.

"Kasa-kasama ko po kayo at kasa-kasama niyo rin po ako.

"Kaya sa mga Kapusong hindi naman makatulog sa gabi, nako sinamahan niyo po ako sa Tunay na Buhay, yung isa ko pong programa.

"Kaya maraming maraming salamat po."