Showbiz News

Ano ang challenges kay Kris sa Luna Mystika?

After playing kikay roles one after the other, hinarap ni Kris Bernal ang una niyang character na talaga namang na-challenge siya -- ang pagiging tomboy. Text and Photos by Jason John S. Lim. Nang tanungin about Luna Mystika, ang agad na nai-share ni Kris Bernal ay kaabang-abang ang effects nito. "Nung anino, at si Heart Evangelista. Tapos first na tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez, so kilig ever."
"Tapos maganda rin kasi dito mapapakita 'yung mga Philippine folklore -- mga paniniwala natin sa mga engkanto," dugtong pa niya. Ang unang challenge para kay Kris sa parteng ito ay ang maging kapani-paniwala sa mga superstitions. Pero it's not that far a stretch naman daw, dahil kahit hindi siya naniniwala, "[sinasabi] ko 'yung tabi-tabi po. Gumaganoon ako." So naniniwala nga siya? "Sige na nga! Pero hindi masyado. Respeto lang," she concedes. Though, she adds na feeling niya na baka totoo ang mga engkanto "sa mga probinsya pero pag sa Quezon City? Wala." Don't be so sure, Kris. "Meron ba dito? Alam ko, probinsya lang -- kuwento nung nanay ko. Sa probinsya raw, marami talaga. Hindi mo maiiwasan yun." E paano ngayon, sa probinsya nagshu-shoot ang Luna Mystika? "Nung first day, medyo natatakot kami." Kuwento ni Kris, they had to trailblaze their way into the forest kung saan kinukunan ang mga eksena niya at nina Aljur Abrenica. "Talagang gubat pa siya, walang madaanan. Parang akala ko, baka mamaya may mga engkanto ano, 'di ba?" Good thing then na hindi si Kris ang humahawi sa kagubatan. Pero hindi pa rin ganoon ka-safe si Kris! "May mga nakikita pa kaming mga ahas!" The toughest challenge para kay Kris though is something else. "Walang (cellphone) signal-ever!" Pero kidding aside, ang naging toughest challenge daw ni Kris ay ang pagganap niya bilang tomboy na si Malou. Take note: tomboy, at hindi lesbian. She still falls in love with a guy -- hindi nga lang mortal. "Maarte ako," inamin ni Kris. "Hirap na hirap ako kasi, una, 'yung boses ko, minsan pinagsasabihan ako, 'Kris, tumitinis 'yung boses mo, laliman mo.'" She adds na mahilig rin siyang manghampas -- babaeng-babaeng hampas, kaya naman lagi siyang nasisita to check herself. "Pero masarap," she adds. "Kasi kumportable ako sa mga suot ko [at] saka konti 'yung mga dala ko." Playing a tomboyish character, tinanong namin si Kris if she exchanges notes with Jennica Garcia; since may pagkatomboy rin ang role nito sa Gagambino. Kris says no, pero minsan pinapanood nya ang dating co-star. “Tinitingnan ko kung paano niya inaarte 'yung lalaki, 'yung ganoon. Nakikita ko sa kaniya na talagang [mahampas] din siya," Kris chuckles. Pero she doesn't want to copy naman daw 'yung mga trademark moves ni Jennica. So she did her research prior to starting sa Luna Mystika. "Nanunood ako nung mga may [tomboy] na movies, television shows-'yung tulad ng Coffee Prince," Kris explains. "Pinapanood ko kung paano kumilos 'yung tomboy. Kasi I'm so arte eh," she finishes with a laugh. Ano ang masasabi mo sa pagiging tomboy ni Kris sa show? Sound off through the comments below! At kung gusto mo namang magbigay ng tips or congratulatory remarks for Kris, you can do so through Fanatxt! Just text KRISB to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)