Showbiz News

WATCH: 'Kara Mia' cast, kumasa sa iba't ibang eating challenges online

Kwelang kumasa ang mga naging bida ng Kapuso seryeng Kara Mia sa mga kakaiba at nakakatakam na challenges na hinarap nila online.

Paul Salas, Mika dela Cruz, Barbie Forteza, at Jak Roberto

Ang mga bida na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, sumabak sa “Not My Arms” challenge sa special webisode ng #BarbieArtisTakeover.

Dito napakain ang Kapuso actress ng kaniyang favorite Japanese food sa tulong ng mga kamay ng kaniyang kasintahan.


WATCH: Barbie Forteza does the 'No Arms Challenge' with Jak Roberto

Sina Paul Salas at Mika dela Cruz naman, game na game subukan ang “Letting the person in front of us decide what to eat” challenge.

Dito ay kailangan nilang kainin ang parehong order ng mga tao na nauna sa kanila sa pila. Nakakain sila ng ilang steak, wings, milk tea, at napa-drive thru sa isang fast food chain.

Panoorin sa chika ni Aubrey Carampel:

WATCH: Mika dela Cruz at Paul Salas sa 'Letting the person in front of us decide what to eat' Challenge

WATCH: How well do Barbie Forteza and Jak Roberto know each other?