Showbiz News

WATCH: Alden Richards, lubos ang pasasalamat sa tagumpay ng 'Hello, Love, Goodbye'

By Aaron Brennt Eusebio

Taos-pusong nagpapasalamat si Kapuso actor Alden Richards sa lahat ng mga nanood, nanonood, at manonood ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye.

Aniya, "Sobrang saya ko po na we've reached 34 million on our first day and sobrang overwhelming po yung support."

"Hanggang ngayon parang nasa cloud 9 pa rin po ako."


Pag-amin pa ni Alden, marami nang nagre-request sa kanila na magkaroon ang kanilang pelikulang ng part two.

"Nag-uusap po kami ni Direk [Cathy Garcia-Molina] paakyat, sabi parang halos lahat po ng nanood, 'yun po yung gustong mangyari, na magkaroon ng part two.”

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras: