Showbiz News

Netizens, nangampanya para ibalik ang 'Family History' sa mga sinehan sa probinsya

By Aedrianne Acar

Nag-uumapaw ang suporta ng moviegoers sa iba't ibang panig ng Pilipinas na humihiling na mapanood muli sa mga sinehan sa probinsya ang Family History.

Dawn Zulueta and Michael V.

Ang pelikula ay comeback project ng award-winning comedian na si Michael V. at ito rin ang unang pagtatambal nila ng respected movie actress na si Dawn Zulueta.

Napa-tweet pa nga ito na #LetsKeepFAMILYHISTORYinCinemas at ikinampanya ang pagbabalik nito sa mga sinehan sa mga probinsya sa Laguna at Rizal.

Masidhi rin ang pagnanais ng isang netizen na maipalabas sa mga sinehan sa Mindanao ang Family History.

Sunod-sunod din ang posts ng mga Kapuso natin sa Visayas na gustong makapanood ng Family History.

Heto pa ang ilang posts ng netizens patungkol sa trending movie ni Direk Michael V.

So guys, please keep on Tweeting #LetsKeepFAMILYHISTORYinCinemas and watch it in your favorite cinemas near you!

WATCH: Michael V. sings a cappella version of 'Ba't Gano'n?'

Entertainment press heap praises on 'Family History'