Showbiz News

READ: Kris Bernal, gusto nang mag-quit sa trabaho?

By Felix Ilaya

Maituturing na isang girl boss ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Kris Bernal

Maliban sa kanyang busy na schedule sa taping, siya rin ang namamahala ng kanyang makeup business na She Cosmetics.

Sa sobrang hands-on ni Kris sa kanyang negosyo, siya na mismo ang nag po-process ng orders at nagpa-pack nito.

Ngunit sa dami ng ginagawa ni Kris, hindi niya mapigilan makaramdam ng pagod.

Minsan rin ay naiisip niyang sumuko.

"At some points I really just want to quit and give up. Uuwi ka na lang from taping, magtratrabaho ka pa sa bahay," sinulat ng aktres sa kanyang Instagram post.

Lagi naman siyang sinusuportahan ng pamilya sa tuwing napapagod siya.

"But, my family always tells me: 'You can't quit now, you're almost there!'"

Sa darating na September 1, a-attend si Kris sa Cosmopolitan Philippine's Cosmo Beautycon na gaganapin sa SMX Convention Center, Pasay.

Dito, magbibigay ng talk si Kris kung paano niya mina-manage ang She Cosmetics nang mag-isa.

"I'll be talking about my journey starting and operating @shecosmeticsph alone with, of course, the support of my family,” sabi ni Kris.


Kasalukuyang napapanood si Kris sa GMA Afternoon Prime suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko as Naomi.