Showbiz News

Nar Cabico's film 'Akin Ang Korona' to be shown in Cinemalaya 2019

By Jansen Ramos

Ipapalabas ang Akin Ang Korona na pinagbibidahan ni Nar Cabico, sa Cinemalaya 2019.

Nar Cabico

Mapapanood ito ngayong Biyernes, August 9, alas nuebe ng gabi sa Cultural Center of the Philippines bilang parte ng Best of The Festivals Showcase.

Dahil sa kanyang pagganap sa Akin Ang Korona, nasungkit ni Nar ang Best Actor award, na iginawad ng Sinag Maynila noong April 2019. Bukod pa rito, nakamit din ng pelikula ang People's Choice award.

LOOK: Nar Cabico wins Best Actor at Sinag Maynila's Gabi ng Parangal

Ang Akin Ang Korona ay isang comedy film tungkol sa isang probinsyanong sumali sa reality show para mahanap ang kanyang nawawalang ama.

Idinerehe ito ni Zig Dulay.