Showbiz News

JC de Vera plans to leave for the U.S. soon

As previously reported, 'LaLola' is ending soon—at kaya naman, ang mga stars ng show ay ready na rin sa kanilang mga post-'LaLola' plans. Gaya na lang ni JC de Vera. Alamin natin kung ano na ang mga plano ng binata for 2009. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. After LaLola, wala pang naririnig si JC de Vera na plans for a new show. "'Yun 'yung nakakanerbiyos, [kasi] wala pa." Pero with the success of LaLola, siguradong magkakaroon pa ng susunod na project si JC. "Sana," natatawang sagot ni JC. According to him, "Baka bumalik muna ako ng afternoon soap, kasi fully booked na 'yung prime time." Dagdag niya na hindi naman daw demotion kung mapunta siyang muli sa afternoon block. "Okay lang, [besides] 'pag sinabing afternoon, mas drama. Nae-excite ulit ako if ever babalik ako sa pang-hapon.”
Isa pang medyo hindi pa siguradong plano ay ang susunod niyang movie. Shake, Rattle and Roll X was able to garner the third-highest position when it comes to sales. Kaya naman siguradong may susunod si JC na movie for 2009. "Under contract pa rin ako sa Regal, so I'm sure, start ng 2009 this year, I'm sure may gagawin ako." But more than that, ayaw nang magsalita ni JC. "Mahirap magsalita eh, puwede silang magbigay ng plans then 'pag nandoon na, anytime puwede nilang palitan eh. Hanggang hindi ka nagte-tape or nagshu-shoot, walang kasiguraduhan eh." That said, whatever the plans are, sigurado naman daw siyang hindi siya pababayaan ng kanyang manager na si Anabelle Rama. Ang sure na plano ni JC for the year is his plan to go to the U.S.. In a previous interview, nabanggit ni JC na he wanted to go to America. "Itutuloy ko na talaga siya. After nitong LaLola, actually, aalis talaga ako." But his fans shouldn't fret. Explain ni JC, "One week lang naman; may business lang ako doon na kailangan ko puntahan. Hindi naman siya for vacation." Dagdag pa ng binata, hopeful din daw siya na for 2009, magkakaroon siya ng bagong investment. "Hindi ko lang masabi kung ano talaga—plano-plano pa lang." Whatever it is nga lang daw, sisiguraduhin niyang alam niya ang kanyang papasukin, at alam niyang mabibigyan niya ito ng tamang oras at panahon. Sana nga lang pareho sila ng pananaw ni Facundo, ang character niya sa LaLola. Dahil mukhang nagiging malabo ang future ng binata dahil sa mga kagagawan ni Sabrina (Angelika dela Cruz). Updated ka pa ba sa mga nangyayari sa LaLola? Be sure to check out clips from past episodes para lagi kang caught-up! Check the out sa video page ng show! And don't miss the remaining weeks of LaLola gabi-gabi sa GMA Telebabad. And if you want more scoop from JC himself, why not subscribe to his Fanatxt service? Just text JC to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)