advertisement
Showbiz News

#ThrowbackThursday: The cast of 'Etheria'

1 of 10

Francine Prieto

Gumanap si Francine Prieto bilang Reyna Avria, ang makapangyarihang pinuno ng kaharian ng 'Etheria.' Naging nemesis ni Sang'gre Danaya si Avria sapagka't pareho silang leader ng kani-kanilang kaharian.
 

2 of 10

Pauleen Luna

Si Pauleen Luna naman ang gumanap kay Hera Odessa, isang mamamana na kayang kumontrol ng emosyon ng iba gamit ang kaniyang pana. Magiging magkaribal sila ni Sang'gre Alena dahil pareho silang may pagtingin kay Ybrahim.
 

3 of 10

Alessandra de Rossi

Isang mapagmanipulang salamangkera naman ang ginampanan ni Alessandra de Rossi sa karakter niyang si Andora. Gaya ni Sang'gre Pirena, pareho silang tuso pagdating sa pakikipagdigmaan.
 

advertisement
4 of 10

Jopay Paguia

Si Jopay Paguia naman ang gumanap sa pinakamalakas na mandirigma ng 'Etheria' na si Juvila. Kaya niyang manipulahin ang oras—pabilisin ito o pabagalin—upang talunin ang mga kalaban niya.
 

5 of 10

Justin Cuyugan

Gumanap si Justin Cuyugan bilang Arkrey, isang espiya mula sa Etheria na nagpapanggap bilang sundalo ng Sapiro. 
 

6 of 10

Nadine Samonte

Batang Mine-a naman ang ginampanan ni Nadine Samonte.
 

advertisement
7 of 10

Dennis Trillo

At batang Raquim si Dennis Trillo.
 

8 of 10

Ping Medina

Sinundan ni Ping Medina ang yapak ng kaniyang ama na si Pen Medina at siya naman ang gumanap na batang Hagorn sa 'Etheria.'
 

9 of 10

Pekto at Rainier Castillo

Bago pa man maging Adamyan sina Banak at Nakba, dati muna silang mga Etherian na tumulong sa pagpapabagsak ng dati nilang kaharian. Dahil sa ginawa nila, sinumpa sila at ginawang mga Adamyan. Sa 'Etheria,' sina Banak at Nakba ay ginampanan nina Pekto at Rainier Castillo. 
 

advertisement
10 of 10

Sid Lucero

Si Sid Lucero ang gumanap sa batang Arvak, naniniwala siyang magiging mabuting hari siya ng Sapiro ngunit madali siyang masilaw sa kapangyarihan.