Showbiz News

#DaWho: Michael Pangilinan, tinawag na 'Adam Sandler of the Philippines' ang isang Kapuso comedian

Espesyal na pagkakataon para sa OPM singer at heartthrob na si Michael Pangilinan ang ma-meet ng personal ang Kapuso star na si Michael V.

Source: khel.pangilinan (IG)

Sa Instagram Story ng singer, ibinahagi niya ang isang bagay na natutunan niya sa award-winning comedian na inihalintulad pa niya sa Hollywood actor na si Adam Sandler.

"Sabi nga ni Bitoy, lahat ng tao may purpose at isang beses ka lang mabubuhay, kaya kailangan mong gawin lahat ng dapat mong gawin sa buhay mo."

Source: khel.pangilinan (IG)

Napanood si Michael Pangilinan sa isang TV singing contest noong 2015.

Samantala, tutok pa rin si Direk Bitoy sa pag-promote ng family drama movie niya na Family History kasama ang high-calibre actress na si Dawn Zulueta.

Nasa third week of showing na ang pelikula at graded "B" ito ng Cinema Evaluation Board.